Home » Archives » 13. April 2009

ano na ang next step?

Monday, April 13th, 2009

hello mga kids, paumanhin at medyo napatagal bago ako muling nakapagsulat dito. actually, wala namang bago, walang bagong kwento. nasa auckland city pa din ako, kay bilis ng oras at ikatlong-linggo ko na sa siyudad! ibig sabihin din nito ay tatlong linggo na akong naghahanap ng trabaho at bigo pa din. :( mahirap ang kalagayan ng ekonomiya sa kasalukuyan. madami ding ibang walang mahanap na trabaho ngayon, malaking bilang sa kanila mga migrante buhat pa sa europa. ‘yung iba mas matagal pang naghahanap ng trabaho sa akin, at hanggang ngayon wala pa din. hay, kahit saan ata sa mundo ngayon ay tag-hirap na.

so, ano ang aking pinagkakaabalahan, kung sakaling napapaisip ka. well, bukod sa paulit ulit na pagtingin sa mga websites ng trabaho, seek.co.nz, at trademe, nagbabakasakali na merong lumitaw ng job ad na fit na fit sa akin, ay wala ng ibang matino pa. buti na lang ay may mini-library dito sa hostel. astig din ang selection nila, ang bilis magrenew sapagkat iniiwan or ipinagpapalit ng mga iba pang backpackers dito. nabasa ko ang slumdog millionaire dito. ganun din ang the reader, the case of the missing books, pati robinson crusoe pinatulan ko na, at the poor bastard graphic novel aka komiks. merong kopya ng das parfum (the perfume) ni patrick suskind, kaso sa wikang aleman, sayang. bukod sa pagbabasa ay libre din ang dvd rental dito, nahiram ko na ang blood diamond, 10 things i hate about you. napanood ko na din ang movie version ng slumdog millionaire, the perfume, being john malkovich, at samu’t saring iba pang mga pelikula.

hay, ang boring di ba?

buti na lang nung nakaraang byernes ay naimbitahan akong dumalaw kina owie, dati kong kaopisina sa sunlife. sa city center mismo sila nakatira, kasama ang kanilang napaka-friendly at cute na baby josh. ayus din at may nakakwentuhan ako, at muling nakapagtagalog! sa kanila na ako natulog ng byernes pagkatapos namin pumunta sa park, at nung sabado, sa shopping mall naman. may libreng grocery pa ako mula kay kuya bong. salamat.

ngayong araw na ito, hanap pa din ng trabaho online. bukas malamang ay ganun din, sasamahan ko na ng follow-up call para mas may diskarte.

holiday pa actually ngayong araw na ito. bukas, simula na ulit ng trabaho…sa opisina, sa mga banko, at sa kung saan-saan pa, pero buti na lang wala akong trabaho. hay!!

Posted by jeremyhk at 7:54 PM | permalink | Add comment