wala ka bang pambayad ng pasahe sa jeep? o bus?
madali yan kung pulis ka. napansin nyo ba na hindi sila sinisingil? o kaya’y pag-nagbabayad sila, ito’y tinatanggihan ng driver o kunduktor? kahapon sa bus papauwi, katabi ko ‘tong si mamang pulis. aba, garapal pa at naniniknik, gusto sya pa ang nakapasok ang upo bagkus sya iyong huling dumating. nasa huling bahagi kami ng bus. si manong kunduktor ang singil mula unahan. bibong nag-tetext pa itong si pulis-garapal nang maya’t maya pa’y pumikit na at nagtulog-tulugan. papalapit na kasi si kuya at maniningil na ng bayad. sabi nga nila, ang pinakamahirap gisingin sa lahat ay yaong mga taong nagtutulug-tulugan. lumikot akong sadya nung huhugutin ko ang aking pitaka para magbayad, at para baka sakaling magising si pulis-garapal at makitang bayaran time na. aba’y hindi natinag ang mokong. pagkatapos ng bayaran, namulat ang bibo at itinuloy ang pakikipag-text nya.
hay…kahit saan talaga may pulitika, may kurapsyon…
o baka naman karapatan talaga ng mga pulis ang libreng pasahe? at ganun ako ang mali. patawad.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.