ano kaya kung ang tao ay parang isang dota hero? sino ka? sinong hero ang pipiliin mo? intel ka ba? agi or strength? may kanya-kanyang powers, may kanya-kanyang costume..ang saya siguro nun. mas adventurous, mas exciting. may mga tao na mukhang tao, may mga half-hayop half-tao na tao, may taong anino lang gaya ni mortred pag blur na..meron din mga taong nagiging invisible (pagnaka-lothars). meron din tayong mga ulti. may espesyal na ability na unique sa bawat isa sa atin.
kung iyong papansinin, marami din namang pagkakatulad ang isang dota game sa totoong buhay. isa na dito ang pakikipagsapalaran para kumita. nagtatrabaho tayo sa realidad, last-hit sa dota. pag masama ang ating kalagayan, meron fountain para gumaling tayo, parang ospital ba? hahanap din tayo ng ally para makasurvive. bibili din tayo ng mga items na kelangan natin sa araw-araw, mga boots, damit, kahit mga gems, kwintas at burloloy! puede din nating ibenta ang mga items na ito pag ayaw na natin. kumakain din tayo. ‘yun nga lang isang buong puno ang pagkain. puede din tayo mag-alaga ng mga pets! puedeng ibon, squirrel, o kahit penguin! at ang importante, meron tayong mga skills, na gagamitin natin para makalamang sa kalaban at manatiling buhay.
ang isa sa pinakamaganda at siguradong ikatutuwa mo kung tayo ay dota heroes ay ang kakayahan nating pumili kung sino tayo. puede mong piliin kung warrior ka, kung tao ka ba o hayop, o kalahating-tao, kalahating-hayop, kung babae ka, lalaki, o walang kasarian. kung matalino ka pero malakas ang pangangatawan, o bobo pero matipuno. kung magaling kang magtago. kung mabilis ka kumita ng pera. kung meron kang special powers o aura na nakakapagbigay ng positibong elemento sa mga kasama mo, mga kakampi mo.
sa mundo ng dota, wala ng may kailangan ng kotse. meron na tayong mga teleportation ability, puede itong bilhing tingian, paisa-isang gamit (sa mga walang pera), o isang espesyal na sapatos na makakapagdala sa atin kahit saan! (boots of travel, hawig sa mahiwagang sapatos ng bruha sa wizard of oz). meron ding mga herong kambal, triplets, o mas madami pa! merong mga herong may alalay na kakampi.
ang pinakaimportante, puede ding mamatay ang hero, subalit sa dota mabubuhay tayong muli. mag-iintay lang… o kung meron kang pambili ng buhay mo… o kung merong kang “agimat” para maresurrect. sa realidad, pag namatay ka, deadz ka na. kasama ka na sa mga aalalahanin sa araw ng patay. happy all soul’s day. mabuhay.