Home » Archives » 30. October 2008

club astoria. scam?

Thursday, October 30th, 2008

DISCLAIMER:  JUST RECENTLY (AUGUST 08, 2010). I RECEIVED A NOTE (ACTUALLY IT’S A COMMENT ON THIS POST, SO YOU COULD READ IN AT THE BOTTOM) FROM ASTORIA ASKING ME TO DELETE THIS PARTICULAR SECTION. I WOULD LIKE TO EXPRESS THAT I WILL NOT REMOVE THIS NOT BECAUSE I BELIEVE ASTORIA IS A SCAM. I CLEARLY STATED AT THE BOTTOM OF MY STORY THAT I DON’T THINK IT IS A SCAM. THIS IS JUST MY PERSONAL STATEMENT, AND ALL THE POSTS FROM READERS ARE OUT OF MY CONTROL.

TO AVOID THINGS GETTING COMPLICATED, I AM DISABLING COMMENTS FROM NOW ON FOR THIS SECTION. I WILL NOT BE DELETING PREVIOUS COMMENTS. I BELIEVE AND RESPECT INFORMATION FREEDOM, AND AGAIN, YOU HAVE TO DECIDE FOR YOURSELF WHAT TO TAKE AS TRUE.

nanalo ako ng trip for 2 to……dinner buffet. nagkape kami sa bag of beans sa tagaytay nung aming huling punta pagkatapos ng trekking sa taal. dito, merong raffle stub na binigay sa min. fill-up naman kami tig-iisa…pero nakakapagtaka at walang DTI permit nakalagay sa ticket. ang grand prize? trip for 2 to paris. sa pransya.

hindi ako maswerte sa mga raffle-raffle, kaya naman naiwala ko na din ata ang stub. nitong lunes, nakareceive ako ng sms. regarding daw sa raffle entry ko mula sa bags of beans. may good news daw sila at tumawag daw ako sa numerong binigay sa text. after lunch yun, medyo na wala ang antok ko at na-excite! wow, trip to france ata nakuha ko! pero sa aking pag tawag, trip for 2 to buffet dinner lang pla..plus gift certificate na hotel accommodation sa bohol or sa labas ng bansa. nung malaman ko na nanalo daw ako, tinanong ko ang aking mga ka-officemate, na mga kasama ko din sa bag of beans at trekking sa taak. sa 6 na nag-fill up ng kupon, 3 kaming nanalo. wow ang dami naman namin. wow mukhang walang nainom ng kape sa bags of beans. nahiya pa nga ako at tinapunan ko ang lamesa nila ng kape ko. hehe

club astoria. dahil sa nabunot din ang kupon ng isa kong officemate, 4 kaming nagpasyang pumunta sa dinner. dyan lang naman sa karport, taguig, may ilang metrong distansya lang mula sa opisina. sayang din kasi ang buffet, eh mahilig kami sa pagkain, hehe. bago pa kami magpunta sa venue nung gabing iyon ay na-research na namin kung scam ba ‘to o ano.. sa panahaon ngayon, bibihira na makakuha ng freebies. lumabas na madami-dami na ding reklamo ang nakapost sa internet laban sa astoria. sabi nung iba, scam nga daw. sabi naman ng iba, business strategy lang.

well, interesado din kasi ako na malaman kung papaano ang sistema nila, at kung bakit naloloko ang ibang mga tao ng libo-libong salapi, napagpasyahan na naming tumuloy na din. sabi namin, bantayan namin ang isa’t isa, at huwag magdala ng malaking pera o credit card. iwasan din daw kumain ng madami, sapagkat baka may gayuma ang food! pero buffet kasi ‘yon, sayang naman kung maghihinay hinay kami ‘di ba?

sa destinasyon, pinapirma muna kami bago paghapunanin. hehe. sabi sa memo, pumapayag kami na lumahok sa isang seminar, na minimum 90-mins pagkatapos ng dinner. shet. ang tagal din nun, uuwi pa ko ng laguna..pero sige na nga, pirma kami, at kainan na! lumabas, buffet-buffet-ian lang pla! tatlo lang ata ang menu, may rice at pasta. ung fish fillet, ayaw pang refillan, kitang kita namang wala ng laman! sinilip pa nung waiter, pero hindi talaga nirefillan! hay… matapos kumain ay nagsimula na ang seremonyas. napagkasunduan namin na wag masyadong magsasalita o magtanong, para matapos ng mabilis ang diskusyon. unang hirit ng ahente, “so, how’s the dinner”. tahimik na reaksyon. walang sumagot. tumanggo lang. haha. sumunod, “mahilig ba kayong magbakasyon? san kayo nakapagbakasyon na?”. nakakaawa naman, sumagot na din kami, “hindi eh, hindi pa kami nakakapagbakasyon, busy sa work, at gastos lang.” haha..sino ba naman ang maniniwala! ang tatanda na namin, eh hindi pa nakakapag-bakasyon. ask pa nya, “tlaga? kahit vacation before?”

so, kon todo explain na lang ang ahente tungkol sa holiday package at system ng club astoria. konting demo, with matching laptop at power point pa sya. konting computes, sample rate nila. halimbawa, 800 pesos for a whole week stay in a 5-star hotel sa france. “mura na ba yon?” sagot: “ok lang…”

hahahaha. kawawa naman ang ahente. isa sa mga kasama namin, hindi na nakapagtiis, sabi nasa baba nadaw ang sundo namin, papasok pa kami sa opisina kuno, night shift. binigay na ang gift certificate na napanalunan daw namin na malamang-lamang ilalagay ko lang sa basurahan. at pagkatapos, umalis na kami.

so scam nga ba? o hindi? sa palagay ko hindi naman, may option naman ang taong gaganstuhin este pag-aalukan nila. sadyang madami nga lang ang tanga sa mundo. at ang free buffet? better than nothing. laman-tyan din yun.

DISCLAIMER:  JUST RECENTLY (AUGUST 08, 2010). I RECEIVED A NOTE (ACTUALLY IT’S A COMMENT ON THIS POST, SO YOU COULD READ IN AT THE BOTTOM) FROM ASTORIA ASKING ME TO DELETE THIS PARTICULAR SECTION. I WOULD LIKE TO EXPRESS THAT I WILL NOT REMOVE THIS NOT BECAUSE I BELIEVE ASTORIA IS A SCAM. I CLEARLY STATED AT THE BOTTOM OF MY STORY THAT I DON’T THINK IT IS A SCAM. THIS IS JUST MY PERSONAL STATEMENT, AND ALL THE POSTS FROM READERS ARE OUT OF MY CONTROL.

TO AVOID THINGS GETTING COMPLICATED, I AM DISABLING COMMENTS FROM NOW ON FOR THIS SECTION. I WILL NOT BE DELETING PREVIOUS COMMENTS. I BELIEVE AND RESPECT INFORMATION FREEDOM, AND AGAIN, YOU HAVE TO DECIDE FOR YOURSELF WHAT TO TAKE AS TRUE

Posted by jeremyhk at 3:49 PM | permalink | comments[53]