kamakailan lang, meron 2 magandang bagay na pinagmulan ng hindi ko inaasahang salapi. ang unang magandang bagay, ang quarter bonus na ibinigay kahapon lang. kasama ito sa kinsenas na payroll, kaya’t nagtaka ako kung bakit labis ng mga ilang libo din ang pumasok sa aking account. kaugaliang sinisimot ko kasi ang payroll account ko kada sweldo, at inililipat sa isa pang savings account sa bpi. sayang din ang tutubuin eh. hindi man malaki ito, pera pa din.
ang ikalawang magandang bagay. tax return mula sa hong kong. may natanggap akong email mula sa hr sa dating kompanyang pinagtrabahuhan ko sa hong kong. may tseke daw para sa kin, tax return. naka lista ang tseke sa aking pangalan. buti na lang. dahil kung hindi, malamang lamang wala na akong natanggap na email. hehe. ako ang nag fifile ng taunang buwis ko sa hong kong, subalit hindi ako ang nagbabayad. pero dahil pangalan ko ang nakaregister, akin ang tseke. bwahahaha. buti na lang gumagana pa ng hsbc atm card ko. dito nila dineposit. at isa pang buti na lang ay tanda ko pa ang pin code nito kahit na lagpas isang taon ko na ding hindi nagamit! ika-14 ng setyembre nuong nakaraang taon ako umuwi sa pilipinas buhat sa hong kong, matapos ang 2 taon at isang buwang pagpabalik-balik mula maynila. sinimot ko na ang laman ng hsbc atm kanina, 2 libong peso din ang nakuha ko dito. hahaha..ang tricky part lang, pag nag inquire ako ng balanse, in hong kong dollars ang labas, kaya’t naka tatlong subok din ako bago nakuha ang pera. yung unang dalawang subok, insufficient fund daw. masyadong mataas ata ang exchange rate ko. hehe.