Home » Archives » October 2008

sino ka sa dota?

Friday, October 31st, 2008

ano kaya kung ang tao ay parang isang dota hero? sino ka? sinong hero ang pipiliin mo? intel ka ba? agi or strength? may kanya-kanyang powers, may kanya-kanyang costume..ang saya siguro nun. mas adventurous, mas exciting. may mga tao na mukhang tao, may mga half-hayop half-tao na tao, may taong anino lang gaya ni mortred pag blur na..meron din mga taong nagiging invisible (pagnaka-lothars). meron din tayong mga ulti. may espesyal na ability na unique sa bawat isa sa atin.

kung iyong papansinin, marami din namang pagkakatulad ang isang dota game sa totoong buhay. isa na dito ang pakikipagsapalaran para kumita. nagtatrabaho tayo sa realidad, last-hit sa dota. pag masama ang ating kalagayan, meron fountain para gumaling tayo, parang ospital ba? hahanap din tayo ng ally para makasurvive. bibili din tayo ng mga items na kelangan natin sa araw-araw, mga boots, damit, kahit mga gems, kwintas at burloloy! puede din nating ibenta ang mga items na ito pag ayaw na natin. kumakain din tayo. ‘yun nga lang isang buong puno ang pagkain. puede din tayo mag-alaga ng mga pets! puedeng ibon, squirrel, o kahit penguin! at ang importante, meron tayong mga skills, na gagamitin natin para makalamang sa kalaban at manatiling buhay.

ang isa sa pinakamaganda at siguradong ikatutuwa mo kung tayo ay dota heroes ay ang kakayahan nating pumili kung sino tayo. puede mong piliin kung warrior ka, kung tao ka ba o hayop, o kalahating-tao, kalahating-hayop, kung babae ka, lalaki, o walang kasarian. kung matalino ka pero malakas ang pangangatawan, o bobo pero matipuno. kung magaling kang magtago. kung mabilis ka kumita ng pera. kung meron kang special powers o aura na nakakapagbigay ng positibong elemento sa mga kasama mo, mga kakampi mo.

sa mundo ng dota, wala ng may kailangan ng kotse. meron na tayong mga teleportation ability, puede itong bilhing tingian, paisa-isang gamit (sa mga walang pera), o isang espesyal na sapatos na makakapagdala sa atin kahit saan! (boots of travel, hawig sa mahiwagang sapatos ng bruha sa wizard of oz). meron ding mga herong kambal, triplets, o mas madami pa! merong mga herong may alalay na kakampi.

ang pinakaimportante, puede ding mamatay ang hero, subalit sa dota mabubuhay tayong muli. mag-iintay lang… o kung meron kang pambili ng buhay mo… o kung merong kang “agimat” para maresurrect. sa realidad, pag namatay ka, deadz ka na. kasama ka na sa mga aalalahanin sa araw ng patay. happy all soul’s day. mabuhay.

Posted by jeremyhk at 1:58 PM | permalink | Add comment

club astoria. scam?

Thursday, October 30th, 2008

DISCLAIMER:  JUST RECENTLY (AUGUST 08, 2010). I RECEIVED A NOTE (ACTUALLY IT’S A COMMENT ON THIS POST, SO YOU COULD READ IN AT THE BOTTOM) FROM ASTORIA ASKING ME TO DELETE THIS PARTICULAR SECTION. I WOULD LIKE TO EXPRESS THAT I WILL NOT REMOVE THIS NOT BECAUSE I BELIEVE ASTORIA IS A SCAM. I CLEARLY STATED AT THE BOTTOM OF MY STORY THAT I DON’T THINK IT IS A SCAM. THIS IS JUST MY PERSONAL STATEMENT, AND ALL THE POSTS FROM READERS ARE OUT OF MY CONTROL.

TO AVOID THINGS GETTING COMPLICATED, I AM DISABLING COMMENTS FROM NOW ON FOR THIS SECTION. I WILL NOT BE DELETING PREVIOUS COMMENTS. I BELIEVE AND RESPECT INFORMATION FREEDOM, AND AGAIN, YOU HAVE TO DECIDE FOR YOURSELF WHAT TO TAKE AS TRUE.

nanalo ako ng trip for 2 to……dinner buffet. nagkape kami sa bag of beans sa tagaytay nung aming huling punta pagkatapos ng trekking sa taal. dito, merong raffle stub na binigay sa min. fill-up naman kami tig-iisa…pero nakakapagtaka at walang DTI permit nakalagay sa ticket. ang grand prize? trip for 2 to paris. sa pransya.

hindi ako maswerte sa mga raffle-raffle, kaya naman naiwala ko na din ata ang stub. nitong lunes, nakareceive ako ng sms. regarding daw sa raffle entry ko mula sa bags of beans. may good news daw sila at tumawag daw ako sa numerong binigay sa text. after lunch yun, medyo na wala ang antok ko at na-excite! wow, trip to france ata nakuha ko! pero sa aking pag tawag, trip for 2 to buffet dinner lang pla..plus gift certificate na hotel accommodation sa bohol or sa labas ng bansa. nung malaman ko na nanalo daw ako, tinanong ko ang aking mga ka-officemate, na mga kasama ko din sa bag of beans at trekking sa taak. sa 6 na nag-fill up ng kupon, 3 kaming nanalo. wow ang dami naman namin. wow mukhang walang nainom ng kape sa bags of beans. nahiya pa nga ako at tinapunan ko ang lamesa nila ng kape ko. hehe

club astoria. dahil sa nabunot din ang kupon ng isa kong officemate, 4 kaming nagpasyang pumunta sa dinner. dyan lang naman sa karport, taguig, may ilang metrong distansya lang mula sa opisina. sayang din kasi ang buffet, eh mahilig kami sa pagkain, hehe. bago pa kami magpunta sa venue nung gabing iyon ay na-research na namin kung scam ba ‘to o ano.. sa panahaon ngayon, bibihira na makakuha ng freebies. lumabas na madami-dami na ding reklamo ang nakapost sa internet laban sa astoria. sabi nung iba, scam nga daw. sabi naman ng iba, business strategy lang.

well, interesado din kasi ako na malaman kung papaano ang sistema nila, at kung bakit naloloko ang ibang mga tao ng libo-libong salapi, napagpasyahan na naming tumuloy na din. sabi namin, bantayan namin ang isa’t isa, at huwag magdala ng malaking pera o credit card. iwasan din daw kumain ng madami, sapagkat baka may gayuma ang food! pero buffet kasi ‘yon, sayang naman kung maghihinay hinay kami ‘di ba?

sa destinasyon, pinapirma muna kami bago paghapunanin. hehe. sabi sa memo, pumapayag kami na lumahok sa isang seminar, na minimum 90-mins pagkatapos ng dinner. shet. ang tagal din nun, uuwi pa ko ng laguna..pero sige na nga, pirma kami, at kainan na! lumabas, buffet-buffet-ian lang pla! tatlo lang ata ang menu, may rice at pasta. ung fish fillet, ayaw pang refillan, kitang kita namang wala ng laman! sinilip pa nung waiter, pero hindi talaga nirefillan! hay… matapos kumain ay nagsimula na ang seremonyas. napagkasunduan namin na wag masyadong magsasalita o magtanong, para matapos ng mabilis ang diskusyon. unang hirit ng ahente, “so, how’s the dinner”. tahimik na reaksyon. walang sumagot. tumanggo lang. haha. sumunod, “mahilig ba kayong magbakasyon? san kayo nakapagbakasyon na?”. nakakaawa naman, sumagot na din kami, “hindi eh, hindi pa kami nakakapagbakasyon, busy sa work, at gastos lang.” haha..sino ba naman ang maniniwala! ang tatanda na namin, eh hindi pa nakakapag-bakasyon. ask pa nya, “tlaga? kahit vacation before?”

so, kon todo explain na lang ang ahente tungkol sa holiday package at system ng club astoria. konting demo, with matching laptop at power point pa sya. konting computes, sample rate nila. halimbawa, 800 pesos for a whole week stay in a 5-star hotel sa france. “mura na ba yon?” sagot: “ok lang…”

hahahaha. kawawa naman ang ahente. isa sa mga kasama namin, hindi na nakapagtiis, sabi nasa baba nadaw ang sundo namin, papasok pa kami sa opisina kuno, night shift. binigay na ang gift certificate na napanalunan daw namin na malamang-lamang ilalagay ko lang sa basurahan. at pagkatapos, umalis na kami.

so scam nga ba? o hindi? sa palagay ko hindi naman, may option naman ang taong gaganstuhin este pag-aalukan nila. sadyang madami nga lang ang tanga sa mundo. at ang free buffet? better than nothing. laman-tyan din yun.

DISCLAIMER:  JUST RECENTLY (AUGUST 08, 2010). I RECEIVED A NOTE (ACTUALLY IT’S A COMMENT ON THIS POST, SO YOU COULD READ IN AT THE BOTTOM) FROM ASTORIA ASKING ME TO DELETE THIS PARTICULAR SECTION. I WOULD LIKE TO EXPRESS THAT I WILL NOT REMOVE THIS NOT BECAUSE I BELIEVE ASTORIA IS A SCAM. I CLEARLY STATED AT THE BOTTOM OF MY STORY THAT I DON’T THINK IT IS A SCAM. THIS IS JUST MY PERSONAL STATEMENT, AND ALL THE POSTS FROM READERS ARE OUT OF MY CONTROL.

TO AVOID THINGS GETTING COMPLICATED, I AM DISABLING COMMENTS FROM NOW ON FOR THIS SECTION. I WILL NOT BE DELETING PREVIOUS COMMENTS. I BELIEVE AND RESPECT INFORMATION FREEDOM, AND AGAIN, YOU HAVE TO DECIDE FOR YOURSELF WHAT TO TAKE AS TRUE

Posted by jeremyhk at 3:49 PM | permalink | comments[53]

29 seconds of vanessa carlton’s home

Saturday, October 25th, 2008

ang hirap nito! hope to post the whole song soon…

Posted by jeremyhk at 4:49 PM | permalink | Add comment

Very Tiring Taal Trek! (Talisay, Batangas)

Monday, October 20th, 2008

we’ve planned to visit this tiny volcano as early as october 1, for the end of ramadan holiday and the weekends after that, however, constant unfavorable weather deterred us..finally last weekend, we were able to see the largest island in a lake on an island in a lake on an island. (what’s that? don’t ask me i don’t get it either..)

our route is to go sta rosa exit, and head up to tagaytay, then left towards talisay batangas, and down to the winding road to taal yacht club. this was our base, and we arranged for 2 boats to take us across the lake. a boat is 1500 pesos each, good for 5 passengers. there were 7of us and although we could sit comfortably in one boat, we had to take 2 boats for safety precaution. the boat ride was quick, and then we found ourselves on the foot of a mountainous hilly terrain. now, here, climbers have the option of reaching the top with the help of a 4-footed hoofed mammal called a tiny horse, or on their own feet. we opted for the latter due to, well, financial reasons as a hoofed ride is 500 pesos, and moreso walking appealed to be a nice saturday exercise.

just before reaching the top, we were greeted by tiny geysers emitting sulfuric smoke, that smells like rotten eggs (similar odor to mudspring in los banos’ mt makiling) and then reached the top in more or less an hour. we were so tired and exhausted as the sweltering sun continually struct our backs on the way up.

rest for awhile, admired the panoramic view, and photos of course, we started to descend hurriedly as all of us are starving. back at our base, taal yacht club, some of us took shower, and changed, but i guess the mixture of tiredness, laziness, and hunger caused me not to bother.

dencios for late lunch, and then sonya’s garden, some coffee, and head back home.

Pics

Posted by jeremyhk at 10:55 PM | permalink | Add comment

ang hindi inaasahang salapi. baw.

Thursday, October 16th, 2008

kamakailan lang, meron 2 magandang bagay na pinagmulan ng hindi ko inaasahang salapi. ang unang magandang bagay, ang quarter bonus na ibinigay kahapon lang. kasama ito sa kinsenas na payroll, kaya’t nagtaka ako kung bakit labis ng mga ilang libo din ang pumasok sa aking account. kaugaliang sinisimot ko kasi ang payroll account ko kada sweldo, at inililipat sa isa pang savings account sa bpi. sayang din ang tutubuin eh. hindi man malaki ito, pera pa din. :)
ang ikalawang magandang bagay. tax return mula sa hong kong. may natanggap akong email mula sa hr sa dating kompanyang pinagtrabahuhan ko sa hong kong. may tseke daw para sa kin, tax return. naka lista ang tseke sa aking pangalan. buti na lang. dahil kung hindi, malamang lamang wala na akong natanggap na email. hehe. ako ang nag fifile ng taunang buwis ko sa hong kong, subalit hindi ako ang nagbabayad. pero dahil pangalan ko ang nakaregister, akin ang tseke. bwahahaha. buti na lang gumagana pa ng hsbc atm card ko. dito nila dineposit. at isa pang buti na lang ay tanda ko pa ang pin code nito kahit na lagpas isang taon ko na ding hindi nagamit! ika-14 ng setyembre nuong nakaraang taon ako umuwi sa pilipinas buhat sa hong kong, matapos ang 2 taon at isang buwang pagpabalik-balik mula maynila. sinimot ko na ang laman ng hsbc atm kanina, 2 libong peso din ang nakuha ko dito. hahaha..ang tricky part lang, pag nag inquire ako ng balanse, in hong kong dollars ang labas, kaya’t naka tatlong subok din ako bago nakuha ang pera. yung unang dalawang subok, insufficient fund daw. masyadong mataas ata ang exchange rate ko. hehe.

Posted by jeremyhk at 11:15 PM | permalink | Add comment