Home » Post Item » kabataang pinoy…

kabataang pinoy…

Sunday, April 27th, 2008

hindi ako nanonood ng tv. bukod sa sira pa din ang aming main tv set sa sala..eh malabo ang reception sa mini-tv sa kwarto nila mama…kaya hindi ko talaga napagtsatiyagaan manood ng tv. sa katunayan eh hanggang sa ngayon ay hindi ko pa napapanood ang sikat na sikat na ‘cheeseburger’ commercial. nung isang gabi, nagulat ako ng makita ko na ang mga hausmate sa PBB ay may mga tamang trip din na hairstyle!

walang hiya naman…ito ang aking latest hairstyle…at sa kasamaang palad ito din ang hairstyle ng mga ulo ng ating mga hausmates sa bahay ni kuya. walang jo, bakit naman ganun?!? para naman akong jologs-gaya-gaya-patok-de-masa ang dating. shet, linawin ko lang na nauna ako sa hair trip na ‘to. big brother, bakit naman?!?

ang masama pa nyan eh may tv viewer contest promo ang PBB. ang detalye? magpadala ng picture na cool at in na hairstyle!! shet!!! ang lagay ko nyan eh parang sumali pa sa contest nila! nakups.. parang gusto ko ng ipatuloy sa semi-kal itong ulo ko…sayang ang 275.00 pesos ko dito!!

anak ng tinapa ka kuya, why? pa-cheese burger ka naman dyan!!?!!

Posted by jeremyhk at 9:46 PM | permalink

Previous Comments

nice one. haha :P

Posted by jun at April 27, 2008, 10:04 pm

di bale jelly… keri mo naman yang new-look mo… sanay na rin kami sa mga “exotic” hairstyles mo (remember the time na nagpa-braids ka naman? at yung nagpa-highlights ka?)… at since mukhang teenager ka pa naman (naks! mahal ang bayad ko sa compliment na ‘to), eh papasa ka pang housemate sa PBB teen edition.. hehehe.. :-P

Posted by rtarr at May 2, 2008, 12:13 pm

wuhoo!!! thanks chewick! may cheeseburger ka sa kin. hahaha

Posted by jeremyhk at May 6, 2008, 8:54 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment