Home » Archives » 24. April 2008

tamang politikal [politically correct]

Thursday, April 24th, 2008

may mga pagkakataong habang nakasakay ka sa dyip ay biglang hihinto ito at aabisuhan ang mga pasahero na lumipat ng isang sasakyan. ang pangunahing dahilan ng ganitong kaganapan ay ang ‘di inaasahang pagkasira ang makina, o flat tire. sa kasamaang palad (at kakatwang palad na din) ang dyip na nasakyan ko pauwi ay nasangkot sa similar na trahedya. binalik naman ang parte ng aming pasahe para ipambayad din sa dyip na aming lilipatan. ang dahilan ng drayber? nadudumi daw sya at uuwi na. pambihira. ang pagkakasabi pa nya’y "lipat na kayo, nadudumi na talaga ako".

pero amfness, polite at malinis ang termong ginamit ni manong driver. hindi siya natatae. nadudumi sya.

naalala ko tuloy nung isang pagkakataong nasa klinika ako. may isang babae, magsusumite ng stool sample. ang bigkas ba naman, "ito na po ung tae". napatawa ang nurse, saba’y sabi "dumi naman". hindi ko din mapigilan ang tawa ko. pero kung tutuusin, tama nga din naman sya. kung literal,  "tae" naman ang tagalog ng stool o feces. buti na lang hindi "ito na po ung ebak", o "narito na po sa sisidlan ung etchas", puede din (kung konti ang nailabas) "heto na ang ipot".

hay iha, daig ka pa ni manong driver, politically correct

Posted by jeremyhk at 10:29 PM | permalink | comments[1]