ikalawang beses na akong nahuli, sa kasamaang palad. una, no left turn sa makati. madali lang naman kunin ang lisensya at sa makati din naman ako nagtatrabaho nung mga panahong iyon. medyo mahal nga lang, 500+ ata ang multa nuon. ngayong umaga, tumungo pa ako sa lto main. sa quezon city ito…ang dahilan? para kunin muli ang lisensya ko. ang kaso? no swerving naman. nagkataong may traffic enforcer nuong nakaraang linggo sa may sucat. mabagal ang usad ng trapiko ng mahigit kumulang dalawang kilometro kaya’t nasa linya ako ng mageexit ng sucat, subalit pag-dating sa dulo balik sa gitnang linya. dun na bumulaga ang lokong enforcer. nakatago pla ang gago.
kaninang umaga, a sus pambihira!, inabot ako ng kalahating araw sa lto! may seminar at exam pa! walang-jo! buti na lang pumasa na ako ng first take. 49 out of 60. 11 ang mali. hindi na din masama…45 ang passing. ung isang kasabay ko 44 sya. malas nga naman..
pag-ka seminar, exam, at bayad ng 200+ pesos, nabawi kong muli ang lisensya.
ang ginintuang aral? siguraduhing wala ang mokong pagka-magsswerve. kung nanduon ang tarantado, mag-exit na lang at bumalik muli ng express way. o di kaya’y mag-inarteng sumasakit ang tyan at emergency kang pupunta sa hospital. ang kaso nga lang dyan eh kung escort-an ka pa..patay tayo dyan..
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.