Home » Post Item » byaheng bus (bigkas ‘bus’ hindi ‘bas’)

byaheng bus (bigkas ‘bus’ hindi ‘bas’)

Thursday, December 27th, 2007

sa araw-araw na pagpasok ko sa trabaho, sumasakay ako sa bus. byaheng cubao ang bus, pero dahil wala nito sa bayan ng binan, kinakailangan ko pang tumungo sa may pacita (san pedro) tuwing umaga. tapos, bababa ako sa may ayala station at tutungo sa global city. kulang kulang dalawang oras din ang byahe patungo sa trabaho, medyo mas mabilis sa umaga kumpara papauwi. bukod sa malayo, ginatungan pa ng ginagawang slex na naging dahilan ng mabigat na daloy ng trapiko. :(

samu't-saring kombinasyon na din ang nasubukan ko papapunta at pauwi mula sa trabaho. merong cubao bus sa may pavilion binan pero lumalakad ito ng mga alas-sais y media, isang byahe lang ito at sadyang maaga para sa akin kaya't kadalasan ay sa pacita pa talaga ako napunta. madami din akong naging kombinasyong ruta pauwi. sa ngayon, nahimpil na ako sa rutang taguig-ayala-alabang-binan. ito ang pinakamabilis sa aking pagsusuri. minsan lang, maiipit sa toll plaza paakyat ng sky way, at palabas sa may bicutan. bababa ako sa may alabang at lilipat sa dyip tungong binan.

bumalik tayo sa bus. palibhasa malaki ang bus at mas matagal ang byahe ko dito kaya marami akong napagmamataan ng pansin. sa bus sa pacita, marami akong nakakasabay ng mga manggagawa din sa bahaging maynila kaya't hindi ito mahirap bago mapuno at umalis. 

ang aircon kung hindi sobrang malamig eh sobrang init. kung sumasakay ka ng bus alam mo ito. hindi ko alam kung bakit lahat ata ng bus eh kung hindi sira ang aircon ay sobrang ibang lebel naman ang palamig nito. lalo na sa umaga, palagi kong nagagamit ang jaket pang opisina dahil talagang malamig ang aircon, nakapaninigas ng  laman. hindi mo din naman sila puedeng patayin o hinaan. dahil dito, mayroong mga iba't ibang paraan para maiwasan ang lamig:

una. itabing ang aircon sa ibang bahagi para hindi ikaw ang tamaan. marami ang napapaaway dito. minsan sa isang bus kong nasakyan, may nag-away dahil sa tinatapat daw sa kanya ang aircon, nagugulo daw ang hair ng tao. dapat din tandaan na natural na katangian ng mga aircon vent ang pektus! oo, hindi ang nakikita mong tinatapatan ng vent ang laging lalabasan ng hangin! minsan, naliko ang malamig na hangin! ito'y isang napakagandang halimbawa na hindi ng lahat ng nakikita mo ay iyong nakukuha! (er…WYSINWYG)

pangalawa. ang kurtina ay iyong kakampi. ito'y isang istratehiyang madalas nating masaksihan sa bus. sa pamamaraang ito, itataas ang kurtina at isasabit sa cabin ng bus para harangan nito ang malamig na hangin. kumpara sa una, mas palakaibigan ang gawaing ito sa kadahilanang maiiwasan mong maitapat ng hindi sinasadya sa ibang tao ang air con. mas mapapaiwas ka din sa away. ang tanging problema lang sa solusyon na ito ay minsan pag mabilis ang takbo ni manong at bigla-bigla ang hinto, natatanggal ang munting buhol ni kurtina and here comes cold air again.

ikatlo. tumayo ka sa bus. hindi kasaganahan ang bulusok ng malamig na hangin sa yo pero masakit sa paa.

 

…………………………………. 

Posted by jeremyhk at 9:46 PM | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment